Saturday, June 2, 2012

Ulan Nananananaman

Nalimutan kong meron nga pala akong mga panahon na ganito. Yung tipong, maulan tapos yung hangin pumapasok sa bintana ng kwarto ko. At kung hindi ako naglilinis ay nakahiga ako at nagbabasa.
Sa susunod hindi ko na kakalimutan na merong labingdalawang buwan sa isang taon. At sa mga ganitong buwan ko naipapahinga ang utak ko. Importante yun minsan, yung meron kang oras para mag-isa, mag-isip at magpahinga. Hindi lang naman katawan ang napapagod e. Minsan ang utak at puso, kelangan din ng time out.


No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.