Friday, May 4, 2012

Storya

‎"Simula nun, lagi na kita naiisip. Yung parang kahit pa nagbabasketball ako, bigla ka nalang susulpot sa utak ko.." 


Tuwang tuwa ako kapag kinukwento niya sakin yung simula ng love story namin. Kinikilig kasi ako pag nalalaman ko yung mga tumatakbo sa utak niya kasi nalalaman ko yung side niya dun sa mga moments namin. Kahit paulit-ulit siguro namin tong pagusapan, ito lang ang kwento hindi ako magsasawang pakinggan.
Siguro pag na comatose ako sa ospital, magigising ako pag kinwento niya sakin ito.
Hay, masyado na ako nagiging corny at nakakaumay na ang paglalambingan namin, pero seriously ang sarap sarap mainlove :)

Pero kung ikaw ay single ngayon, ito lang ang masasabi ko sayo. Hindi ako nagmadali mag ka boyfriend at hindi ako nagsisisi na naging single ako noon nang matagal. Magtiwala ka lang sa plano sayo ni Lord. Kasi may inihahanda siyang tao para sayo. At very thankful ako na pinakilala na niya yung sa akin. Basta enjoy kung ano ang meron ka ngayon, kasi that day will come. Yung wala kang ka-alam alam, darating siya.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.