Tuesday, February 7, 2012

Strong Ka Eh


"Matapang ka na e noh? Kahit kailan pwede mo na akong iwan." Yan ang sabi niya sa akin nung nakaraang araw. Siyempre sabi ko "NYE! Hindi ah. Baka ikaw". Pero napaisip ako. Totoo ba yun?
Hindi. Tingin ko hindi. Siguro dati oo. Nung hindi ko pa siya ganon ka mahal. May takot pa rin kasi noon sa puso ko na magbigay ng "mas". Sabi kasi nila, ang nagkokontrol ng isang relasyon ay yung mas kaunti ang pagmamahal at yung taong mas nagmamahal kaysa sa isa ang laging talo. Noon, takot akong magmahal ulit ng sobra-sobra. Kung sa lasing, wala nang pang-uwi. Pero hindi ko kasi talaga nature yun eh, yung magpigil at magcontrol. Isa kasi akong extremist. Tipong all or nothing. This or that. Walang medyo-medyo lang. At ganon din ako pagdating sa love. Walang medyo mahal, medyo hindi. Kung talagang mahal kita, ipapakita ko sayong mahal kita. Kung hindi ako ganun sayo, ibig sabihin hindi kita mahal. Ganun kasimple.
Pero mabalik tayo sa sinabi niya. Matapang na nga ba ako dahil kaya ko siyang iwan anytime? I think tama siya.. at mali at the same time. Tama siyang matapang na nga ako ngayon. Pero hindi dahil kaya ko siyang iwan kahit kailan. Matapang na ako ngayon dahil kaya ko na siyang mahalin ng mas pa sa pagmamahal niya. Yung tao sa isang relasyon na mas nagmamahal, yung sinasabi nilang laging talo.
Well, hindi ko naman masasabing talo nga ang tawag dun, kasi anu't-ano man ang mangyari, tingin ko hindi talo yung taong binigay niya ang lahat ng efforts niya at naging masaya siya habang ginagawa yun para sa isang tao. Diba?
Ang totoo nga niyan, kabaliktaran ako sa sinasabi niya. Hindi ko na siya maalis sa sistema ko. Kaya ayoko ng walang ginagawa sa duty kasi bawat minuto na masteady ako at walang ginagawa o iniisip eh siya ang pumapasok sa isip ko. Ang kulit diba?
Kailangan ko pa talaga siya tanggalin consciously dahil bawat sandali na iniisp ko siya e kumikirot yung puso ko sa pagka-miss sa kanya. At hello! Lunes pa lang, Sabado pa kami magkikita. -_-
Siya kaya, I wonder kung ano ang iniisip niya tungkol sa mga ganitong bagay.

Ikaw ba? Matapang ka?

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.