Thursday, February 2, 2012

Nursing Appreciation Post

Kakagaling ko lang sa aking training. 6am to 2pm lang ang duty namin sa ward as bedside nurses before marotate sa ibang part ng hospital. Anyway, maliban sa nakakapagod kong byahe at routinary chores pgkadating sa bahay, today is a lovely day. Hindi ko alam kung bakit, pero parang super na-enjoy ko ang araw na ito. Parang ayoko pang umalis sa hospital at gusto ko pa magprepare ng gamot, itanong ano pa ang kailangan ng mga pasyente ko at magisip kung pano gagaan ang pakiramdam nila. Maybe dahil napaka easy lang ng workload namin, hindi naman kami na tatanong at nasisisi ng doktor pag may mali, at dahil siguro hindi 12 hours and duty. Alin man dun ang reason, it doesn't matter still kasi today I felt something different. I felt really happy nung pauwi na ako na parang I had a very productive day. (I hate blogging in taglish, but this is how I speak inside my head. lol.). I actually enjoyed my duty. Alam mo yung feeling na gusto mo yung ginagawa mo na parang hindi ka napagod? Yun. And now, I can honestly say from my heart that I am falling in love with nursing. Right now, I am thinking of my patients. Kamusta na kaya sila and effective nurse kaya yung kaendorse ko. I am not saying that I am a great nurse, because really, I still have a LOT to learn, pero kahit ganun I know that I am doing my best.

Why do I feel this way..
Siguro dun sa mga times na nakikita kong nakikita kong may pangangailangan yung patient tapos, nakakaisip ako ng way para mawala or matigil yun, tapos gumagana naman at nagiging better siya. Yung makikita mo siya na super hina hanggang sa unti-unting makikita mo siya na nakakapagsalita na, nakakakilos na, tapos nakakatawa na. At may times pa na itatanong nila ng paulit-ulit yung pangalan mo dahil gusto ko nilang matandaan at yung magtthank you sila sayo. I know it's a cliche, pero talagang bawing-bawi ang pagod.

One thing I also noticed, akala ko I can't work under pressure, dahil natataranta talaga ako. But I was wrong. Once alam ko na talaga ang gagawin, mas nageenjoy ako kapag toxic at dere-deretcho and trabaho. Maliksi naman ako underpressure, basta hindi lang nangangapa sa next step :)

What can I say? I think, isang buwan palang ako sa training, sulit na sakin ang binayad ko sa aking training. (sad but it really is the reality here in the Philippines) The mere fact na finally, naeenjoy ko na ang ginagawa ko is enough for me, pano pa yung bagong friends kong nakilala at mga hands-on kong natututunan along the way?

Really, I love my profession. Sana, sana talaga mabigyang halaga ang mga nurses natin dito sa Philippines. I think, if we set our mind to it at hindi lang greener pastures ang dahilan, Filipino nurses can rise to the top. We can be the most caring, compassionate and hardworking nurses out there. We already have the ingredients for it, ingrained on our upbringing. Quality education nalang talaga and budget allocation para mabayaran ng sapat ang ating mga nurses at hindi nagtitipid ng workforce ang ospital and in the end, hindi na kailangang umalis para magaruga ng ibang tao at mapakinabangan ng ibang bansa ang husay nila.

Ehem.

Tumatakbo nanaman ang isip ko :)

Anyhow, palapit nanaman ang takdang oras ng aking pagtulog, mabuti pang kumilos na ako at paputiin ng tuluyan ang aking uniporme. :D

RN - Rock'n Nurse!,

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.