Monday, January 16, 2012

Timeline

"Am I taking life too seriously?"
Yes, yan ang tanong ko sa sarili ko sa mga oras na ito. At oo, english kami magusap ng sarili ko. Bakit ba?! :)
Nasa bahay na ako, maaga kami pinauwi ngayon para makapagprepare sa aming long exam tomorrow. Bukas narin kami ieexpose sa ward at bibigyan ng chance makapg hands-on sa mga patients. Kinakabahan ako. Sobra. Pero hindi yun ang tumatakbo sa utak ko sa mga oras na ito. Nakahiga ako ngayon at kailangan magbasa, pero pilit lumalayo ng utak ko sa aking katawan. Masakit ang ulo ko at gusto kong may makausap.

Hindi ko alam kung anong problema ko at bigla akong nagkaganito. Nakaupo lang naman ako kanina at nag ffacebook nang bigla akong natulala sa kawalan eh. At sabay bigla kong naisip, tama ba ang ginagawa ko? O nagsasayang ako ng oras? Careerwise, ginagawa ko naman ang mga steps para makasampa na ako sa stepping stone na yan na kay hirap abutin. I think oo may mga oras na akong nasayang, pero stiil, all iz well. So ano palang tinutukoy ko?
Langyang lovelife, non-existent na nga sakit parin sa ulo.

Meron naman kasi akong plano e. Usually ayoko ng ngpplano. O sige, more on goals. Meron akong goals. Makatapos sa college - check. Makapasa ng boards - check. Sunod nalang e makahanap ng work. Tapos makahanap ng permanent work. Tapos makaipon, makatulong sa pamilya mo, makapagpatayo ng bahay para kay mama, makatulong sa pagaaral ni kate at pagkatapos, ako naman. Bahay ko at pamilya ko naman ang iisipin ko. Kung kukwentahin ko, 22 ako ngayon. Let's say by 25 may stable at better paying job na ako. By 27 tapos na magaral ang kapatid ko. 34 siguro may house and lot na si mama? Hmm. By that time, matanda na ako. Siguro medyo may ipon na rin ako nun to start my own life. Hopefully, may isang tao na nun na mgsstart ng buhay ko with me.. Ang pangit ng time line ko.

The point is, para akong nakasakay na sa isang tren na patuloy sa pagtakbo pero hindi ko parin alam kung saang estasyon ako bababa. Habang ang inggit na umiiral sa akin na buti pa yung iba, kumikitang kabuhayan na at ibang problema na ang iniintindi, ako nandito pa rin.

Yun ba ang root cause ng pagsakit ng ulo ko? I guess.
Pero diba nabanggit ko kanina ang lintik na non-existent na lovelife? Oo isa pa yun sa problema ko.
Ganito, pinangako ko sa sarili ko matagal na na career at job first. Yan ang number 1 priority ko. Nakikipag bargain na nga ako kay Lord. Wag na munang bf, work nalang. And getting there naman na ako. Pero of course, dko naman mapigilan tong pagtibok ng puso ko. Ayun, dumaan siya e. nasungkit tuloy.
Di (pa) naman siya nakakasira ng lubos sa mga pangarap ko eh, haha :) anjan nga sya para pasayahin ako at bigyan ako ng inspirasyon e. Ang sakin naman, hindi ko sigurado kung gano siya ka desidido sa lahat ng sinasabi niya sakin. Sa lahat ng kinwento ko sa inyo, nabanggit ko na bang 18 years old lang siya? Yep. And sa ngayon, stop sya sa pagaaral.
Okay, for the sake of this argument, let's assume kami na ang itinakda. Chos. Game, ilapat natin sa timeline. 22 ako, 18 sya. Let's say 4-year course starting this year, so tapos na siya sa college by 22, at ako 26. Stable work at 25 ako 29 na, tapos na ng college kapatid ko by that time, so ilang years nalang maitatayo na namin ang bahay ni mama kaya let's stick with 34. Tutulong pa siya sa family niya and everything so may 5 years pa siya para magipon at pundar for us. And by that time, it might be too late. Advanced nanaman ang utak ko ano? Super duper. Hindi ko pa nga sinasagot yung tao. Pero yun lang naman ang nasa isip ko at gumugulo sa utak ko sa mga oras na ito kaya hindi ako makareview. Diba parang isang tren na tuloy-tuloy sa pagandar habang ako, hindi alam kung saan bababa, o kung nasa tamang riles man lamang ba ako.

Wala naman makakasagot ng mga tanong na yan actually eh. Neurotic lang ako. Pero that's the truth diba? Before I say yes to him, I want to make sure kung saang tren ba siya nakasakay. Kasi pag sinabi kong oo at umandar na ang tren ng aming puso (nakanang!) wala na tong bawian. Hindi kasi ako nakikipag short time. Kaya kung sasayanagin ko lang pala ang 2 years sa pagaantay at sa ganito, mabuti pang magfocus nalang ako ng husto at baka along the way, dun ko makilala ang tinakda.

Hmmm.

I think, that's the root cause ng sakit ng ulo ko. Noh?
I think, ito ang negative effects pag inactivate mo ang natutulog mong puso. Pero kasabay nun, alam ko sa sarili kong may positive effects din ito sa akin.
Ganun lang naman yun e. Maraming beses na ako nasaktan at mdami na akong natutunan, at I think it's about time na isabuhay ko naman ang lesson na:
"Hindi masamang gamiting ang ang puso. Siguraduhin lang na may common sense na nakahalo"

Okay. I'm good. Aral na.

Reese's and Kisses,
Cherry F.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.