Tuesday, January 17, 2012

Pengeng Piso

Ako kasi yung tipo ng tao na kung ano ka sakin ganon din ako sayo. Yung pag ganitong effort lang ang binigay mo sakin, gnitong effort lang din ang ibabalik ko. Hindi ako yung tipong nagoover reach, nag ffirst move o yung ayos lang magmumang tanga, naiiwan at naghahabol. Before siguro ganun ako, pero after some time, mapapagod ka din e. At ngayon nga ganun na ang ugali ko. Pero dahil pinangako ko na sa sarili kong pipilitin kong maging better, ginagawa ko na ang tunay kong nararamdaman. Di na ako naghihintay na siya ang mauna. Kung gusto ko mag express mag eexpress ako. Kung lumabas man akong vulnerable, hinahayaan ko. Ang lagi lang nasa utak ko, one day kukunin din ulit sakin to. Pahiram lang to. Kailngan walang pagsisisihan. Kasi pag nawala na sayo yang taong pinakaiingatan mo, ano pang gagawin mo jan sa mga feelings mong pinilit mong itago? Wala. So there.
Ngayon, andito ako sa point na unti-unti akong bumabalik sa dati. Yung tipong pag ganito lang ang effort mo, kahit na mbaliw na ako kakamiss sayo, hindi ko ipapakita. At yun ang ayoko. Yung nababago ko ang sarili ko dahil lang nagbabago ka. Parang pangit diba?
Hanggang ngayon, nakikipaglaban pa rin ako sa sarili ko.
Siguro, ang masasabi ko nalang, hindi ko sapat isalalay ang sarili ko sa ibang tao. Diba? Ano't ano man ang mangyari, at least binigay kona lahat. Wala ng sobrang sukli sa bulsa.

Reese's and Kisses,
Cherry F.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.