Sunday, January 1, 2012

Fail to Plan and You Plan to Fail

Good Morning 2012!:)

Aba'y pag gising ko agad kong inisip anong magandang raket para sa 2012? Kapag kasi bago parang ang daming gustong bagong gawin ano? Parang pag pasukan sa school at bago ballpens mo, notebooks mo, bago bag mo, parang ansarap mag aral. Parang masasabi mo sa sarili mo na "eto na, aayusin ko to!" At parang yung notes mo sa notebook na sa una lang maganda ang sulat, bandang gitna e lalabas narin ang tunay mong kulay. Pangit ka magsulat talaga. Haha ☺ Yan ang new year!
Pero hindi naman lahat ng tao tulad ko ganun. Yung iba, kayang mag stick sa kanilang mga New Year's Resolutions at mga projects na naisip.
Unang naisip ko e gawin yung project 365. Yung one photo a day thing. Kaso naisip ko, either magsawa yung mga titingin ng ppicturan ko, dahil sarili ko lang naman ang gagawin kong subject - loko lang, or ako mismo ang magsawa dahil baka ala naman akong mapicturan. Di rin naman ako picturera at wala akong skills para dun.
Naisip ko din na magipon. Ibang 365 project ito, 365 days ako maghuhulog sa regalo sakin na alkansya. Tipong 20-50 a day, mga ganun. Haha. Yun nalang kaya, ano? Magawa ko kaya yun..
Isa pa ay yung gumawa ako ng bucket list para sa aking 2012, para hindi ako ma-bored. May nabasa kasi akong quote one time, sabi dun
A person that wakes up in the morning feeling bored has not enough goals
Oh diba, ang sakit? ☺
Pwede yun ano? Actually may nagawa na akong ganon e. Ililipat ko nalang dito sa blog ko tapos ipapaskil ko sa pader ko. Ayan, para ma depress ako every morning dahil wala pa akong nagagawa sa kanila. Ahaha ☺
Hindi, gagawa ako ng siryosong bucket list, yung SMART - Specific, Measurable, Attainable, Realistic and Time-bound. Oha, numi-nursing care plan?

Speaking of NCP, magsstart na ako ng training ko sa January 9 sa isang ospital sa Quezon City. Sana thizizit. Pero sa January 3 kelangan ko ulit pumunta dun at kumpletuhin ang aking requirements at tuluyang bayaran ang aking training fee. May isa nalang akong kulang eh, yung doctor's certificate, kasi sa Monday pa available yung doctor.

Ayan, ako'y magaalmusal na, sapagkat gutom na ang mga alaga ko.


Happy 2012 to all!
Reese's and Kisses,

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.