Wednesday, December 21, 2011

Yun Lungs

Hinitay ko text nya the whole day, ayos lang kasi nagmessage naman siya sa fb ko. Dati tatawag pa yan kahit di siya unli. Ayiie. Tampo yan?
Tapos usapan, skype ng 10 kasi may gagawin pa ako. Umalis siya kasi nagpunta sa birthday. Pero naintindihan ko naman yung part na yun, promise. Yun nga lang sabi niya ttext nalang daw siya pag kauwi niya.
Hindi yung, magtxt nalang ako sa kanya pag matutulog na ako, or magtxt ako pag wala nako ginagawa. Pero naiintindihan ko din naman yun, di naman kelngn nasayo ang oras ng isang tao boyfriend or not. Maganda yung minsan ksama niya din ang mga katropa niya. Yun nga lang, it's the little things.

The little things matter, one way or the other.

....

Anyway, akalain mong pinayagan ako ni mama umalis bukas? In one condition - kasama ako ang kapatid ko :)
Wtf? Pero ayos lang. Una, di naman yun date. Pangalawa, mamimili lang naman ako. Pangatlo, get what you can get. Diba?

Andaming questions ni mama, mostly sa pag-aaral niya. Di ko naman sinugarcoat, sinabi ko sa kanya ang totoo at kung ano lang yung alam ko - which is very little, kasi parang ayaw niyang pinaguusapan yun eh. Tapos sabi niya, edi 4 years pa ang hihintayin mo? Toink. Sabi ko na lang, di ko naman iniisip yung ganong kalayong future - partly true - di ko talaga iniisip yun dahil wala tayong assurance about anything. Sabi ko pa nga, malay mo ma, next year di na kami close. Malay mo nga naman diba..

Ayun. Anyway, as of the moment, wala na ako sa point na namimiss ko siya, or naiinis ako sa kanya, or nagtatampo.
Andun na ako sa point na, bahala na.
Medyo scary nga lang kasi pag ako nagkagusto matindi. Pero once na nawala na yan, yari. Wala ng balikan.

Yun lungs.

We'll see.

Reese's and Kisses,
Cherry F.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.