Sunday, December 11, 2011

Naniniwala ka ba sa magic?



Hindi ba parang love ang pinaka magical na bagay sa mundo? Hindi ko na tutukuyin yung love para sa pamilya kasi given na yung magic dun e. Yung love sa dalawang nagmamahalang tao na lang.
Kasi hindi naman napipilit ang love e. Pwedeng mahalin mo, pero di ka naman gusto. O kaya mahal ka na nga, kaso di mo naman gusto. Hindi mo pwedeng ipilit sa utak mo na magkagusto at hindi mo pwedeng diktahan yung puso mo kung kelan yan makakaramdam. Kusa yan maaattract, kusa yan maffall.
Hindi ba magical yun? Na yung taong mahal mo, mahal ka rin? At the same time?
Hindi ba magical yung kahit saan man, kahit paano o kahit kailan magkukrus ang landas niyo?
Hindi ba magical yung effective ang love kahit anong kasarian o edad?
Hindi ba magical yung kahit gaano katigas ang puso ng isang tao, pag-ibig lang ang makakatunaw dito?
Hindi ba magical yung gaano man ka-desidido ang utak mo sa isang bagay, pag-ibig lang ang makakapagbago nito?
Hindi ba magical yung dahil lang dito, mapapagbetter mo pa pala yung sarili mo?
Yung kahit ano, nakakaya mo? Gaano man kahirap, gaano kalayo, kagulo o katagal?

Hindi ba magical yung kahit ilang beses ka na nito binigo, dadating at dadating yung araw na mapapaniwala ka ulit nito sa magic…?

(Photo courtesy of www.free-extras.com)




No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.