Friday, December 30, 2011

Naka Bato Nanaman Ako


Minsan hindi kita maintindihan. Minsan hindi ko din maintindihan ang sarili ko. Siguro kung may nanggayuma sa atin ikaw yun. :) Para akong de kuryenteng makina na nagsshortcircuit kapag malapit na sa iyong magnetic field. Hindi ako makapg-isip. Hindi gumagana ang common sense ko. At parang de-susing laruan, pag nawawala ka tumitigil ang takbo ko at nawawalan ng baterya. Mangyari mang mainis ako sa kawalang kwenta ng araw ko, pagbalik mo e full force naman na parang nang-tap ako ng kuryente direkta sa Meralco. Pero minsan nalalabuan din talaga ako sa estado ng relasyon nating pilit natin iniintindi. May prebilehiyo tayong libre makiinom ng tubig, pero walang karapatan magtanong ng magtanong at manlimos ng barya.
Hndi rin naman pwedeng pirmahan ko na ang kontrata at bigyang titulo ang relasyon natin. Kung tutuusin, oo, pwede. Sus wala namang makakaalam e. Pero ayoko ng ganon. Ano yun, parang tanga lang? Kayo pero tinatago niyo? Bawal to, bawal yan. Kasi baka malaman ng iba?
Dalawa lang ang naiisip kong solusyon. Tanggalin ang mga libreng patubig o magsimula nang makibaka.


Reese's and Kisses,
Cherry F.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.