Monday, December 5, 2011

EXample

Umaapaw ata ang puso ko sa halo-halong emosyon ng lungkot at saya. Nagusap kami ng JP - code name pa rin talaga?☺ Ok game, si JP kasi ang real name niya ay Alfred. John Alfred. Tapos nickname niya minsan ay Aphed, Phed ayun. Kaya "JP". Ayan na. Alfred, meet my reader. Reader, meet my Alfred. Ay ganon? ☺ Matagal-tagal din tayong magkakasama-sama dito. So ayan, magkakilala na kayo ☺

Kakatapos lang namin magusap ni Alfred, at hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang kwento ko. Magkahalong lungkot at sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon. Ganito kase yan.

Naglolokohan kami. Sabi niya, "Pano kaya kung ikaw mapangasawa ko ano? Pag naiisip ko yun khulet, parang naeexcite ako!" Tapos naguusap lang kami at nagpaplano siya, yung room daw nung magiging baby namin ganito, ganyan.. Tapos pupunuin daw namin ng pagmamahal yung pamilya namin. Edi tuwang tuwa naman ako kasi naiimagine ko din. Kahit biruan lang yun, what if nga naman diba? Kahit hindi na ako yung tipo ng taong nagpaplano sa future dahil naranasan ko nang madisappoint ng husto, masaya akong naririnig siyang masaya. Sa gitna ng kakiligan ko, naisip ko bigla, ganun din sila ng ex niya. Tapos sinabi ko yun sa kanya.
"Hmp. Sinabi mo na rin yan sa ex mo e. Siguro ganito din kayo no.."Tapos nagkwento siya.
"Alam mo, kwento ko sayo ha.. ganito yan...."
Sabi niya sakin, hindi daw sila ganun nung ex niya. Hindi daw lalagpas ang isang araw na hindi sila nagaaway. At oo tumagal sila ng isang taon na puro nalang ganun, kaya nasawa na rin siya kasi paulit-ulit nalang. At ang pinagaawayan nila? Kahit mga pinakasimpleng bagay.
"Sample?" Sabi ko.
Kunwari daw, yung pagiging malikot niya, yung pagiging makulit niya. Naiinis daw yung ex niya pag ganun siya.

Yung pangungulit niyang mananakit, iba daw ang dating pag ex niya ang biniro niya ng ganun. Tipong gagawin niya ang lahat mapasaya lang yung girl, kahit pa may mga pagkakataong dindown siya nito. At pag may kahit isang oras na hindi sila nagaaway, sobrang saya na daw niya nun. At yun daw ang hindi maganda, dahil minsan ginagawa niya na lang dahil gusto niya mapasaya yung ex niya at hindi dahil sa masaya siya sa ginagawa niya.

Dun ako nalungkot. Dun sa part na nahuhurt siya noon nung ex niya. Alam niyo yung feeling na, kahit pa sila nung mga oras na yun, kahit pa di ko pa siya mahal nun at ni hindi ko man lang siya kilala noon, nasaktan akong ginaganun ganun lang siya. Sinasaktan yung mahal ko? Yung taong ni hindi ko kayang makitang nalulungkot? basta-basta binabalewala ng ganon? Shet e. Kahit ang wirdo kasi delayed yung sakit ☺

Pero totoo. Nakakainis para sakin, at tama lang na naghiwalay sila kasi ayon sa nalaman kong kwento, hindi siya deserving kay Alfred. Hindi kong sinasabing ako ang deserving, maaring hindi rin ako, pero lalong hindi siya.

Sabi ni Alfred, binigay niya na lang daw ang lahat-lahat niya at hinintay na kusa siya maubos. At least sa paraan na yun, wala siyang regret dahil binigay naman niya ang lahat at alam niya sa sarili niyang wala siyang pagkukulang. Tama naman.

Hindi ako makapaniwalang may taong ganun. Yung hindi niya na nga makita yung effort nung tao para sa kanya, eh kinaiirita niya pa yung kasiyahan nito. Kung pipilitin kong ilapat sa salita ang personality ni Alfred para maidescribe ko siya: Siya ay isang araw. Hindi dahil sa nakakasilaw ang kaputian niya kundi dahil ganun kaliwanag ang aura niya. Tipong pag nakita mo siyang nakangiti gagaan ang araw mo, pag masaya siya mahahawa ka sa kasiyahan niya. Happy-go-lucky siyang tao at gagawin niya ang lahat para mapasaya ang mga tao sa paligid niya. At tulad nga ng sinasabi ko, He's my sunshine. Totoo yun. Binibigyan niya ng liwanag ang bawat segundo ng bawat araw ko. At hindi ko makakayang makitang mawalan ng liwanag ang pagkatao niya. At dun ako nagtataka - na mayroong taong naaatim ibote ang taong kasing lakas ang liwanag ng araw. Na mayroon taong kayang unti-unting pundihin si Alfred.
At pagkatapos nun ay nagkwento ulit siya.

Kaya sobrang thankful daw niya na nakilala niya ako. Na kahit sa simpleng bagay lang may napapasaya siyang tao. Na ginagawa niya daw ang mga ginagawa niya dahil sa dun siya masaya at dahil yun ang gusto niya. Di daw siya makapaniwala na meron daw taong magaangat sa kanya - na hindi ko din naman maintindihan kung bakit mababa ang tingin niya sa sarili niya :(

Sobrang sarap marinig galing sa kanya yan. Simple pero may laman. At masaya akong dahil sa simpleng bagay lang din na ginagawa ko ay napapasaya ko siya. Hindi ko alam na ganun pala ang pinagdaanan niya kaya masaya akong hindi siya nagbago ng pananaw at natakot na muling magmahal.

Halos bumaluktot na ako sa pagkakahiga sa sobrang kilig! Ansakit sa puso sa sobrang apaw ng kaligayahan ko. Yung simpleng fact na lang na masaya dahil sayo yung taong mahal na mahal mo. Yun nalang eh.
Ayoko man sana mangako ulit talaga ever sa isang tao, hindi ko maiwasan to.

Alfred, hindi mo man mababasa to sana maiparamdam ko. Hindi ko pinapangakong hindi ka luluha, o malulungkot o hindi tayo magaaway. Mangyayari yan. Alam kong dadaan tayo sa lahat ng problema at susubukin ang tatag nating dalawa. Alam kong hindi pwedeng lagi tayong masaya, pero isa lang ang alam ko. Hinding hindi ako magiging katulad ng ex mo. Iingatan kita, hindi lang ang puso mo. Hindi ako gagawa ng bagay na makaksakit sayo. Ni hindi ko kayang makita kang malungkot. Pangako, hinding hindi na muling mapupundi ang liwanag mo. Iingatan ko ang pagmamahal na binigay mo at ang oras na binigay sakin ng Diyos para alagaan ka. Kahit pa dumaan ka lang pala sa buhay ko, masaya akong naging parte ka ng blog ko. Ng buhay ko. Ng kwento ko. At mahal kita. Mahal na mahal kita.

Shet naluluha ako ☺

Tunay na umiibig,



PS.
Hindi pa rin po kami.

Yun lungs. Sadya lang na nagiibigan.

Darating din yan ☺

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.