Friday, November 25, 2011

Unknown


Naglilinis ako ng facebook ko. Inuna kong tignan yung ginawa kong custom list na "Unknown". Dito ko nilalagay yung mga taong inaaccept ko na hindi ko talaga kilala. Hindi ako madalas magaccept lalo na kung yung nagaadd e 13 lang yung friends, malamang e troll lang yun. Inaaccept ko lang pag meron kaming common friends or kung cute :D Minsan naman eh active sila at nakikipag kaibigan talaga sila sakin, minsan hindi. Kaya tulad nito naiiwan sila sa list na to at after ilang months pag sinipag ako maglinis eh binubura ko din sila. Ano ba ang nakakatuwa at kinukwento ko ito sa inyo? Eh kasi nung pagbukas ko nung nasabing list e nandun siya. "Siya" dun ko siya nilagay dahil di ko talaga siya nun kilala. Nakakatawa lang magbaliktanaw sa pinagsimulan ng mga bagay-bagay☺
Pero dun talaga nagsisimula ano? Sa Unknown.
Sana, hindi rin dun matatapos.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.