Saturday, November 12, 2011

Tips bago ka magsinungaling sa minamahal mo:


Eto siryosong usapan na.
Since parehas naman sinungaling ang babae at lalake (mas), iggeneralize ko nalang ito.
Basahin mo at magisip ka.

1. Matagal makuha ang tiwala. Hindi yan basta-basta nakakamit ng isang araw, isang linggo o isang buwan lang. At isa yan sa mga bagay sa mundo na maibalik mo man, may lamat na - gumamit ka man ng Superglue.

2. Kahit sabihin pang unti-unti mo ulit pag hirapan na maibalik ang tiwala, nakabaon na jan ang duda. Bawat kilos mo, bawat sabihin mo at lahat ng ipangako mo, lahat yan may pag dududa na. Kahit mag Teach Me How To Dougie ka pa sa gitna ng Edsa para mapaniwala lang siya, may duda na yan, maniwala ka.
3. Kahit anong tago mo sa isang kasinungalingan, darating at darating ang araw na malalaman niya yan. Maaring madulas ka, o matalisod yung ibang nakakaalam ng kasinungalingan mo. Ang mas masama pa, baka madapa yung taong mahal mo at tumambad mismo sa harap niya ang tinatago mo. Hayaan mo mang malaman niya pa sa iba, o ikaw na mismo ang umamin, ano man ang piliin mo, deds ka pa rin.
4. Walang malaki o maliit na kasinungalingan. Walang ring exception. Lying by omission, white lie, red lie, yellow lie, biguerlai, iisa lang yan, kasinungalingan yan. Sinabi mo mang hindi na kayo nguusap ng ex mo pero simpleng landian pa rin pala kayo, o kahit simpleng sinabi mong nag log-out ka na sa chatroom at matutulog ka na pero hindi pa pala. Kahit simpleng bagay na wala namang masama tulad ng kunwari tulog ka pero nagbasketball ka pala o wala kang load nag ttumblr ka lang pala. Lahat yan, counted.
5. Once nahuli ka, lahat ng sinabi mo kahit pa nuon-noon pang sinusuyo mo palang siya, lahat yan damay. Lahat yan tatakbo sa utak niya at iisipin niya kung alin kaya sa mga yun ang inembento mo lang. Mauungkat lahat ng nakaraang pangyayari. At maiisip niya kung  nagsabi ka man lang ba ng isang katotohanan?
AT pinakamatindi sa lahat, dalawa lang ang kakalabasan niyan.
Una, maliban sa magduda sa bawat sinasabi mo, maghihigpit na siya sayo. San ka pupunta? Sinong mga kasama mo? Anong oras ka uuwi? Yung totoo? Tawagan mo ko pag-uwi mo ha? Hindi, tawagan mo ko gamit landline nyo. Nag-out ka na mahal? Tara tulog na tayo. Wala ka na talga sa internet? Bat may bagong status ka sa facebook?
O kaya,
Pangalawa, Wala na siyang tiwala sayo totally kaya’t wala na siyang gana pang pasakitin ang ulo niya kakaisip. Hindi na yan magtatanong o manguusisa dahil nakadikit na sa utak niyang maaring hindi ka rin naman magsabi ng totoo kaya’t para saan pa. In short, wapakels. At alam mo na siguro kung saan patungo ang kwentong iyan.
Ngayong malinaw na ang lahat sayo, tanungin kita, handa ka bang itaya ang lahat ng iyan para sa iisang bagay na gusto mong itago?
Worth it naman ba na ilihim mo yan para sa iningat-ingatan mong tiwala simula pa noong una?
Basta sa huli, ginusto mo yan. Panindigan mo. 



No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.