Thursday, November 17, 2011

Pause.

Maniwala ka man o sa hindi, di lang laging sex ang pwedeng gawin ng isang lalaki at babae pag nasa isang kwarto.
Natulog ako ng kasama siya. Hindi ako yung tipo ng babaeng hindi sinisiryoso ang sanctity ng "love making" at responsibilidad ng  paghulma ng tao, kaya't huwag sana maging berde ang utak mo.
Pag sinabi kong natulog, natulog lang talaga.
Pero hindi lang syempre natulog. Labo ko!
Nagusap din kami, kumain, nag motor, nanood ng movie, nagcuddle, naggitara, kumanta, nagkulitan, nagpuyat at syempre bandang alas kwatro ng madaling araw, naisipan ding matulog na.

Gumising kami ng alas sais ulit dahil gusto namin kumain ng sopas! Yung sopas na tinda ng lola niya, kumain kami nun. Tapos ay humirit pa siya ng palabok at ako naman ay carioca. Gusto sana namin kumain sa rooftop nila kaso nga lang, tindi ng lamig!
Ganun ulit ang ginawa namin, nagpalipas oras sa kakakulitan at hanggang sa tuluyang nakatulog ulit ng alas nuebe at nagising ng mga alas dose. Tuluyang umuwi ng mga alas tres.

Alam mo yung wala ka lang mapaglagyan ng saya mo?
Yung sobrang napupuno talaga yung puso mo ng simpleng ligaya. Ganun lang ka simple.

May mga oras na tinititigan ko lang siya at gumagawa lang ako ng memory namin sa utak ko. At pilit mang pumapasok ng lungkot sa utak ko dahil sa mga "Kaso" at "Sana", pilit ko silang hinaharang at ineenjoy ko lang yung oras na yun mismo.
Pilit man sumisilip nung ideyang anu mang oras, pwede siyang mawala din ulit sakin, sinasara ko yung maliit na butas ng pag hholdback na yun.

Pero hindi naman talaga yun yung highlight eh. Oo ibang lebel yun, pero may mas pa dun. Yun yung isa-isa kong nakilala yung pamilya niya. Papa niya, mama niya, ate, tito, kaibigan at pati nga kapitbahay e. At hindi lang nakilala, tinanggap pa ng maluwag. Pinakain pa at kinuwentuhan ako nung mama niya. Ang bait nga nila e. At mas nakakataba pa ng puso dun, yung sinabi niya sakin na hindi daw ganun yung ate at mama niya. Pag daw ayaw nila, ayaw nila. So ibig sabihin, kahit papano, successful dahil nagustuhan nila ako :) Saya lang nun diba? :) Nakakatuwa lang.

Sobrang simple lang ng pagkakakwento ko, pero ang totoo. Pag pinikit ko ang mga mata ko at inisip ang buong pangyayari, napapangiti talaga yung puso ko.
Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Sana, sana, sana..

Masaya,

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.