Friday, October 21, 2011

Metal at Bato Balani

Akalain mong nakarating ako hanggang March?
Tapos napadaan ako sa
Went from being "in a relationship" to "single."
Tapos tipong napasmile ka, at kung pwede lang i-like eh i-llike mo.
Dun ko kasi narealize ng totoo pala yung quote na
"There's a person out there who's going to be really happy that you didn't get back together with your ex. So stop goofing around"
What if winorkout nila yung problema nila? What if nagkabalikan sila (pero posible parin naman mangyari yun ngayon).
Tipong mapapaisip ka na, hindi ko siya makikilala kung sila pa rin hanggang ngayon. Diba?
At thankful ka, dahil kahit na alam mong masakit yun para sa kanya nung mga oras na iyon, masaya naman siya ngayon (weh?). At masaya ako ngayon dahil sa kanya.

At kahit alam kong hiram lang ang bawat sandali, alam kong mawawala din ito at matitigil. Ayos lang para sa akin.
Yun lang yun eh.
Yun lang yung hinihintay kong maramdaman sa isang tao.
Yung puso ko na mismo yung nakakaramdam at hindi yung utak ang nagiisip.

Bakit mo ako nakita?
Bakit nakasalubong pa kita?
Ba't pa nakilala?
Ba't nahulog pa sayo sinta?


Bakit binalikan ko pa ang bayong sa pila?
Ba't di nalang nagbihis agad, at umuwi, at nauna?
Ba't naman ginulat mo ang puso kong nagpapahinga?
Bakit naman dumaan ka pa sa puso ko sinta?


Bakit ngayon ay hinahanap hanap na kita?
Bakit di makatulog hanggat di naririnig ang 'yong tawa?
Ba't sa lahat ng oras sa utak ko palakad-lakad ka?
Bakit ngayon, ikaw ang laman ng aking tula?


Madami pang tanong, gusto pa kitang makilala.
Ngunit bakit tila ako'y naduduwag na.
Bakit pakiramdam ko ngayon ay baliktad na?
Puso ko'y hubog sa metal, pero bato balani ka pala.


Nagtatanong,

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.