Tuesday, October 18, 2011

Happy Happy Birthday To ME!:D

Off to bed, matutulog na :)
Ako ay masaya. Sadyang masaya.

Hindi ko alam kung bakit :) Siguro dahil sa kanya. Sino siya? Di ko sigurado, Kinikilala ko pa.

Parang siyang di tao, parang too good to be true.
Ano bang sabi nila sa mga ganun?

"If it's too good to be true, chances are, it is"

Pero ala eh.

Ganito kasi ang kwento nyan. Alam mo yung tipong may random na tao na nagadd sayo sa facebook tapos biglang "Uy shet ang gwapo naman neto?" Tapos iisipin mong wala lang, bumubuo lang ng fanbase, tapos lilipas ang mga araw at biglang may makikita ka nanamang lalaking nakatitig sayo habang kausap mo yung katabi nya at masasabi mo sa sarili mong "Uy shet, ang gwapo naman nun?" Tapos biglang itetext ka ng isang hindi nakarehistrong numero sa cellphone mo at malalaman mong siya pala yung lalaking nakasalo sa mata mo ng ilang segundo, at pagkatapos ay malalaman mong siya din pala yung nagadd sayo sa facebook, at pagkatapos ay malalaman mong matagal ka na pala niyang nakita. Noon pa, sa di sinasadyang pagkakataon na ginawa ng tadhana at nagkasalubong lang kayo.

Tapos unti-unti mo siyang makikilala at mapapangiti ka nalang sa mga maliliit na bagay na tungkol sa kanya. Sa kadaldalan niya, kakulitan niya at sa pagiging spontaneous nya.
Sa mga iniisp niya, sa mga ideya nya, sa kasweetan nya, sa pamilya nya, sa pagmamahal niya sa mga ate nya. At lahat ng tungkol sa kanya. Tapos hindi ka na natutuwa dahil crush ka ng crush mo, natutuwa ka na kasi habang nauuncover mo yung personalidad niya eh mas maganda (gwapo!) siya sa loob kesa sa labas.
At dun ka napapangiti.

Tapos.
Tapos ayun na.
Tapos marerealize mo na nagulo nanaman ang utak mo. Yun yun eh.
LAGOT. Patay nanaman ako.


Birthday ko ngayon :)

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.