Tuesday, August 30, 2011

Isipin Mo

Isang segundo, Dalawang segundo, Tatlong segundo.

Marami kang gustong gawin.

Maraming plano.

Maraming pinagiisipan pa.

Maraming pinagdududahan pa.

Ilang oras na ang binigay sayo para mabuhay dito sa mundo?

Sa loob ng ilang oras na iyan,

Ilan ang nilaan mo para sa mga gusto mong gawin?

Sa mga plano mo?

Sa pagiisip?

Sa pagdududa?

Ilang oras na ang nasayang mo?

Sa pagsisisi?

Na sana ginawa ko?

Na sana di ko ginawa?

Ang buhay ay isang malaking silid aralan.

Madaling matuto.

Pero kung hindi ka naman papasok,

Hanggang grade 1 lang talaga ang maabot mo.

Kailangan meron kang gawin upang matuto.

Kung gusto mo gawin ang isang bagay,

Gawin mo.

Ngayon na.

Dahil hindi ka hinihintay ng mundo.

Umupo ka man dyan at magisip,

Patuloy itong iikot,

At tuloy tuloy pa rin na nauubos

ang oras mo.

Ilang oras na lang kaya ang binigay sayo para mabuhay dito sa mundo?

Isang segundo, Dalawang segundo, Tatlong segundo.

Isipin mo.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.