Friday, October 2, 2009

What doesn't kill you, only makes you stronger

"Ano mas pipiliin mo, ang wag sya makausap, o ang marinig nga ang boses niya, pero tungkol naman sa iba ang kinukwento nya?"

Hindi ako naapektuhan, dahil ayoko magpaapekto. Makirot minsan, nakakapagtaka. Actually hindi nakakapagtaka, normal naman yun diba?, Minsan talaga, traydor ang puso mo para pagisipin kang may masakit, pero wala naman talga. Masaya na ako ngayon sa kung ano man ang meron. Siryoso.

Friendship. Alam ko ang tunay na nasa puso't isip nya. Kami na lang ang nakakaalam nun. Tulad nga ng sabi ng kapatid ko, "Tingin mo ba ikaw lang ang nasasaktan? Sa tagal nyo, siguradong iniisip ka din nun.."
Nasasaktan sya, nasasaktan ako. Tingin ko ganun namin kamahal ang isa't isa. Handang piliin ang pagkakaibigan, wag lang mawala yung bond na namamagitan sa amin. Masakit man.

May mga bagay kasi na madaling sabihin, pero mahirap gawin. Parang di naman to kumplikado diba? Pero sa totoo kumplikado kasi may ibang tao na na tumaya. Pag may ibang tao na na kasama sa usapan, Mahirap ng ayusin. Kasi meron din siyang puso, at ang mali lang niya, tulad ng mali ko, at mali mo, at mali ng lahat ng tao - Nagmahal siya.

"Sya". Naniniwala ako na lahat ng tao ay mabuti. Hindi ako galit sa kanya. Naiintindihan ko sya. Nagmamahal lang siya ng totoo at masaya ako na inaalagaan nya ang kaibigan ko at pinapasaya nya 'to. Hindi naman nakakagalit yun diba? Siguro magkaiba kami sa madaming paraan, pero sa part na gusto lang namin magmahal kami nakapareho. Siguro kung dati yun maiinis ako, mgagalit, at baka pilitin ko pang bawiin sa kanya ang tunay na akin. Pero sa mga oras na ito, hindi ko na nararamdaman yun. Alam kong mabuti syang tao. May kanya kanya naman tayong negative traits eh, basta alam ko, somewhere sa puso nya, mabuti sya, di ko man siya makilala sa personal sa ngayon.

Masaya na ako ngayon dahil ito lang naman ang hinihiling ko tuwing nagdadasal ako. Hindi ko pinipilit si Lord na ibalik nya sa dati ang mga bagay bagay. Alam ko naman na may reason ang lahat ng bagay e, di ko pa alam sa ngayon, pero someday marerealize ko din yun. Ang tanging hiling ko lang naman sa kanya ay sana, sa mga ibibigay niya saking pagsubok, bigyan nya ako ng bukas na isip at puso para maintindihan 'to. At yun nga ang binibigay nya sakin ngayon. Sa mga ganitong pagsubok ko nahahasa yung pagkatao ko. Na kaya ko pala magtiis ng ganito, kaya ko pala maintindihan to, kaya ko pala tangapin to.

"What doesn't kill you, only makes you stronger"
Ngayong alam na kung gaano pala ako kalakas, kung ano pala ang kaya kong harapin, Ano pala ang kaya kong lagpasan. Hindi na ako natatakot.

"I'm not a survivor. I'm a warrior. "

1 comment:

Note: Only a member of this blog may post a comment.