Monday, August 24, 2009

Let's Do Math

 "Pag mahal mo, walang kasi kasi, walang pero pero"

Hindi ako naniniwalang may bagay na kumplikado sa mundo. Simple lang ang lahat ng bagay. Tao lang ang nagpapagulo dito. Minsan kasi yung utak ng tao di maintindihan. Dapat dyan ginagamitan ng math.
All equations should be in its simplest form. I-cancel ang dapat. wag na pahirapan ang sarili. I drop ang pwedeng idrop, di pwedeng sabay sabay, sama sama, lalaki lang ang problema. Diba? At yung pinka importanteng rule sa math : Be careful with the signs.

Dati naniniwala ako na kapag nagmahal ka, dapat buo. Dati lang. Kasi ngayon naniniwala na ako dun sa nagsabi sakin, na dapat kalahati lang. Hindi dahil niloloko mo lang yung mahal mo. Mahal mo pa din sya ng buong buo. Ng tunay. Ng tapat. Ang point lang dun, dapat mahal mo din ang sarili mo. Mahalin mo ang sarili mo. Maniwala ka.
Minsan kasi pag nagmahal ang tao, parang tanga lang. Bigay todo. Kaya sa huli, ndi mo alam saan pupulutin ang sarili mo. Di mo alam saan magsisimula. Ang puso lang ang marunong magmahal. Ang puso lang ang marunong magsimula ng pagmamahal. Hindi to napapagaralan. Hindi ito pinagiisipan.
Pero kahit puso lang ang may kakayahan na magsimula, Utak ang lang ang marunong tumigil.
Utak lang ang nakakapagcommand sa puso na tumigil.
Parang ganito yan..
Mataas ang utak kesa sa puso. E ano kung mas mataas sya, kung puso naman ang laging nasusunod?
Prang magkapatid lang yan e. Ate yung utak, bunso si puso. Syempre kahit anong gawing ng utak, puso pa rin ang laging masusunod. Bossy eh. Spoiled pa. Pero anut ano man ang mangyare, pag nadapa yang bunsong yan, tatakbo pa din sa ate. Ate ang magtatanggol, Ate ang magdedecide. Sa huli, Utak pa rin ang masusunod kapag nasaktan na si puso sa pgeexperiment.

Ang pinaka malalang bagay na nakita ko sa relasyon ay ito : FOREVER.
Nakakatawa kasi ganun ako dati. Pero natutunan ko ngayon na yun ang nagpapakumplikado sa buhay pag ibig :]
Wag na wag mo tangkaing isipin na forever na kaio. Wag. Wag mo isipin na sya na talaga panghabang buhay. Wag mo lokohin ang sarili mo.
Lalo na sa mga kabataan ngayon. Kapag bata kasi madaling mangarap. Madaling mapaniwala ang sarili sa fairytales. At pag bata masyadong optimistic. Sinasabi ko to kasi napagdaanan ko na. Pag sinabi ng isang tao na napagdaanan na nya ito, di ibigsabihin magaling na sya, ibig lang nun sabihin mas madami na syang nagawang pagkakamali kesa sayo. Ngayon disisyon mo na kung gusto mo maniwala sa kanya o hindi.
Balik tayo. Di naman masama magmahal ng totoo. Pero ang masama yung paasahin mo yung sarili mo.
Merong forever, posible. Pero wag mo gawing goal yun. Ang dapat mo pagtuunan ng atensyon ay ang ngayon. Simula pag gising mo kanina at hanggang pagtulog mo mamaya. Yun lang. Wag mo masyado pagtuunan ng pansin ang bukas. Ang dapat alalahanin mo ay yung tao o bagay na nagpapasaya sayo ngayon. At yun ang bigyan mo ng importansya. Ienjoy mo yung feeling, yung emotion. Mabuhay ka sa moment na yun. I appreciate mo kung sino, o ano man yung bagay na ngbibigay sayo ng saya. Kasi baka bukas wala na yan. Totoo. Kaya ngayon pa lang Namnamin mo na yung binibigay nitong kaligayahan.
Kasi sa huli, hindi importante kung asan ka, kung sino ka, kung ano ang meron ka. Ang importante lang sa huli, Masaya ka ba?  May laman ba yang buhay mo?...

1 comment:

Note: Only a member of this blog may post a comment.