Monday, July 20, 2009

Ultimate Confessions 2

 Drafted: 6/8/09

It's 6:15 pm. Ngayon lang ako sinipag ulit magsulat :P Kaninang umaga pa sana ako magsisimula, kaso dami ko nanamang kung ano2ng ginawa :D
Anyawy. First things first.

Regarding kagabe - Nagising ako kaninang umaga at masakit ang aking ulo dahil sa puyat. Tapos naisip ko kaagad, kamusta ka na che? Tapos nakiramdam pa ako saglit. Di ko pa mabasa yung utak ko..Tapos Sinabi ko sa sarili ko. Okay, Gagawin ko na yung blog ko today :)

Look at my horoscope yesterday, June 7, 2009.

"This is a good time to brainstorm with someone you really care about and share ideas for future goals."

Kanina ko lang nabasa yan. Tama nga naman. :) We didn't exactly share ideas for "our" future. She shared her idea in a non-verbal way, And I did the brainstorming. I ended up with ideas about my future goals.

This is my horoscope today, June 8, 2009.
Kanina ko lang din nabasa. astig.

"You need to reconsider whether some in your circle are playing the game of commitment or playing you for a fool, and this means that the emotional side of life (especially with regards to your social life), could impact upon your wellbeing. If you've worked hard at loyalty and friendship don't demand less than an equal and reciprocal return from others"

Oha?

Okay. So. Tama na ang kwento.

Kagabi, masyado na akong sabog para magisip. Pasikat na kasi yung araw nun, blanko ung utak ko. Parang shell na lang. Kaya naisip ko na ipagpabukas na ang desisyon. Natuwa naman ako paggising ko dahil ang gaan na ng pakiramdam ko. Actually di lang eh, ang ganda talaga ng gising ko :) Nakakapagtaka siguro kung bakit ngayon lang ako "nagdedesisyon" kung tutuusin 2 months na kaming naghiwalay. Well, sa loob kasi nung mga buwan na yun, inaayos pa namin ang mga bagay. Lagi kami nagiisip ng ways para maisalba pa. Ngshare ng differences at ngtry magcompromise. Laging successful sa simula. Laging hanggang simula lang. Daming changes. Sobrang dami. Dami din adjustments. Di ko na iisaisahin dahil hindi na importante ang nakalipas. Just imagine na lahat ng nakasanayan nyo na hanggang sa araw na ito ay biglang bumaliktad. Ganun lang. Sa dami ng naiisp kong paraan, walang nabago. At tuwing pag gising ko kinaumagahan, may isa nanaman kaming hakbang papalayo sa isa't isa. Ang hirap ng magayos kung nakapikit yung mata mo o nung kasama mo. Dapat kasi sabay kayo. May mga araw namang masaya. Sa sobrang saya, halos magpasalamat ka na sa lahat ng santo. Tapos nun, lugmok nanamn. Paulit ulit na ganon lang ang kwento sa loob ng 2 buwan. Saya, Pag asa,Pangako. Tapos, wala. Hanggang sa dumating yung araw nawalan na ako ng pagasa. Dahil natuto na ako. Pag dalawa o tatlong beses ng nangyyare, di mo maiiwasan yun. Kaya ko na nga ipredict yung susunod na mngyayari e. Sinubukan namin pareho. Di ako sumuko kahit sobrang sakit na. Tipong nakalagay na yung daliri mo sa apoy. Napapaso ka na pero di mo kayang tanggalin, kasi ayaw mong tanggalin. Ganito talaga ako. Ayoko kasi mabuhay sa what-ifs. Ayoko nung nagiisp ako ng ganun. At least, by now, msasabi ko na nagawa ko na ang lahat. Di ko na tinatanong ang sarili ko. Cross the line or stare at the line for the rest of your life. Madaming beses ko na naisipan na tigilan na ang kabaliwan ko. Pero di ko magawa dahil mahirap mabuhay sa regrets.

Mahirap aminin na ibinaba mo na ang lahat ng pride mo, lalo na kung ito na lang yung meron ka. Naisip ko kasi, dati, ito din yung ginagawa nya saakin palagi. Oras ko naman ngayon.
Mahirap talaga lalo na kung ma-pride ka. Tulad ko. Pero di mo yun masasabi kapag ito na yung pinaguusapan. Di pwedeng magpataasan kayo kasi di lahat ng oras ikaw ang hahabulin. Kelangan mo mamili kung mas pipiliin mo pa ba yang pride mo o yung pinakaimportanteng bagay sayo.
Kung nasa gubat ka, hawak mo lang dalawang malaking dahon. Maliban dun wala ng nakatakip sa katawan mo. Tapos yung nanay mo nakasabit sa bangin. Ano pipiliin mo? Magtakip o hilahin yung nanay mo? Ano man piliin mo dun. Ikaw na ang bahala.

Sa isang relationship di pwedeng lagi kang reyna. May panahon na ikaw ang tama. Meron ding ikaw ang mali. Dapat laging kayong dalawa ang kumikilos at nagaayos. Hindi nman tumatagal ang relasyon dahil lang sa love e. Tumatagal kayo dahil desisyon nyong dalawa na magtagal kayo. Na lagpasan ang lahat ng darating. Sa loob ng limang taon, nabuhay lang kami sa sarili naming mundo. Kaya nung nakakita sya ng pagbabago. Hinayaan ko siya. Mag aliw, Mag saya, Tumingin sa iba. Bakit? E kasi nga, inaayos pa namin yung gusot. Tinitignan namin kung saan yung gitna para mabalance ulit. At pag kaharap mo na yung taong nananakit sayo. Kahit gano pa kalaki ang galit mo sa mundo. Matutunaw yan. Magiging isang buntong hininga na lang. Ano bang magagawa mo kung sabihan ka ng "Ayaw kong mawala ka sa buhay ko" ng "Susubukan ko" ng "Gagawin ko" ? Di ba wala? Di ka nga bumibitaw e, tapos tatanggi ka pa? Edi hintay.
May mga araw din na nagbabaliktad yung role namin. Ako naman yung napapagod na, sya naman yung gusto makipgayos. Ako yung di namamansin, sya yung papansin ng papansin. Pag sinubukan nanaman. Tulad ng iba. Hanggang umpisa lang.

Mahirap yung laban ka ng laban, pag lingon mo magisa ka na lang pala. Mahirap din yung nagmumuka ka ng tanga. Dahil ikaw yung sumusugal. Anu't ano man ang kalabasan. Ikaw lang ang matatalo. Ikaw lang yung masasaktan, tapos wala ka pang karapatan masaktan. Kasi madaming nakapalibot sa kanya ngayon. Madami talaga. Kanyakanyang paeffect. Kanyakanyang diskarte. Pero iisa lang ang gusto. Makakuha ng atensyon. Atensyon na libre naman nyang ipinamimigay sa lahat. Madaya ata no? kasi madami nang sasalo sa kanya. Parang mga pusang nagaabang. Kulang na lang hilahin siya para malaglag na sya ng tuluyan. Habang ako, gusto nya din na maghintay ako, para pagtapos na siya. Meron pa din syang uuwian. Super safe.
Nagpatuloy ng ganun yung kwento dahil sa reason na ayaw lang nya ako masaktan. Gusto nya na pagbalik nya ay responsable na ulit sya at kaya nya na ako alagaan. Ang sarap pakinggan. Pero kung iisipin mo, mahirap paniwalaan. Kasi parang yung kausap mo dalawa yung muka. Iba pag kaharap ka. Iba pag kaharap sila.

Kung binabasa mo to ngayon at iniisp mo na tanga din ako dahil hinayaan ko yun. Tama ka. Pero mali ka din kasi di ko yun hinayaan dahil tanga ako. Nagisip din ako. Nakiramdam. Nagmasid.
Hinayaan ko yun dahil sa isang simpleng pangako na tinutupad ko. Para sakanya, Saakin, Samin.
Yung pangakong

"Wag kang bibitiw ha?" "Wag mo ako iiwan"

Kung iisipin mo, simpleng pangako lang. Pero kelan mo ba matutupad yon? Di naman kapag masaya kaio e. Di habang nagtatawanan kayo. Di porket wala na yung isa, di mo na din gagawin. Di ibig sabihin na kelngan kayong dalawa ang gagawa para gumana yun na parang magic power. Minsan kelangn mo yun gawin kahit magisa ka nalang. Parang for better or for worse yun. Parang naospital lang siya. Nawalan saglit ng malay. Kelangn mo muna maging matapang. Kahit magisa ka lang. Dahil pinangako mo na di ka bibitaw. At ang ibig sabihin nun, kapag kinailangn ng pagkakataon na ikaw na lang ang may kakayahan na magdesisyon at magisip para sa inyong dalawa, Tutuparin mo. Di ka bibitaw. Pag mahal mo, di ka dapat ganun kabilis sumuko.

Pero syempre. Lahat ng bagay, may limitasyon.
Dumating yun nitong nakaraang linggo lang. Same story. Pangako. Pagasa. Pagkakaiba lang, akala ko, ito na talaga. Akala ko talaga. Di ko na ididetalye. Samin na lang yun. Basta ayun na yung huli. Dahil dun na ako tuluyang nawala. At dun na din sya tuluyang napalayo.



Further reading:
The DIY Break up Manual

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.