Monday, July 20, 2009

Ultimate Confessions 1

Drafted: 6/8/09

Dunno where to start. A while ago, I was planning to blog about something, but something else came up. So,.. I got lost somewhere...Here it goes...

Curious lang talaga ako. Lagi ko talaga iniisip kung ano kaya ang feeling ng isang baliw :) tipong may sariling kausap, may sariling mundong ginagalawan, ano ang tumatakbo sa isip nya, nakatingin pero iba naman ang nakikita. Nakikita kaya nila ang mundo natin?
Now I know. So this is how it feels like to get lost in your own world. This is how it feels like to be empty. This is how it feels like when your world tumbles apart faster than you can grab anything for support. Something that binds everything else together suddenly melts away leaving your world into a scattered random bits and pieces, you might never learn how to put back together again.

Kanina, bumalik ako sa nakaraan. 2 taon ata ang tinahak ko pabalik. Di ako tumitigil. Dalawang taon ang hinarap ko. Ang dami kong nadaan, mga simpleng bagay na nkakatuwa, nkkinis, nkkiyak, nkkhiya, nkkmiss, nkklungkot, nkksisi.
Sobrang hirap. Para kang humarap sa salamin pero di mo makita ang sarili mo. Nakakatakot. Pero di mo matanggal ang mata mo sa pagtingin. Masakit isipin ang mga bagay na wala na. Tulad nalang ng isang taong namatay na hindi mo na maibabalik pa. Pero meron pang mas sasakit doon. Tulad ng isang tao na hindi naman patay, pero di mo na maibabalik pa. Mas mahirap talaga tanggapin ang bagay na alam mong may magagawa ka pa, kesa sa tanggapin ang bagay dahil alam mong wala ka ng magagawa. Masochista daw ako sabi ni Nadz :) Siguro nga. Di naman ako nasasarapan dahil nasasaktan ako. Masakit nga e diba? Nasasaktan ako syempre. Pero yung threshold ko para sa sakit, masyadong malamya. Habang pasakit ng pasakit, lalo namn syang tumataas. Kaya go lang ako :) Carry ang pain. Di ko alam bakit di ko mapigilan ang sarili ko. Siguro, naghhanap ako ng sagot. Naghahanap ako ng kahit anong bagay na mgbibigay sakin ng kahit anong emosyon. Emosyon para tumayo at magsimula ulit lumakad. Habang nadun ako sa mundo naming dalawa, unti-unti kong napapaniwala ang sarili ko na doon pa din ako nakatira. Hanggang sa ayoko ng lumabas ulit. Hanggang sa ayoko ng bumalik sa katotohanan. Para akong nasa loob ng isang magandang panaginip at ayaw ko na gumising. Hindi. Mali. Para akong kkagising lang galing sa isang bangungot at takot na takot na matulog ulit. Napaniwala ko ang sarili ko sa isang iglap na yun talaga ang katotohanan. Na dapat dun ako nararapat mabuhay. Sa loob ng mundong di na nageexist. Nawala ako sa realidad at tuluyan akong nagpalutang lutang. Naalala ko ang mga bagay bagay. Sobrang daming ala ala. Maya maya ay nakangiti na ako. Pilit inaabsorb ang mga nababasa ko. Na baka sakaling may natira pang saya don, sakaling may naiwan pang pgmmahal o care. Baka sakaling pag binasa ko pa ulit ng ilang beses, malipat man lang saakin. Baka sakaling maramdaman ko. May mga nakakatuwa doon. Mga salitang nakakapagpataba ng puso habang nakakalungkot din. Yung mga "Wow, kayo pa din??" "Going strong ah.." "Di ko na kayo iggoodluck, alam ko namang nothing can tear you apart.." Nakakatuwa din kasing malaman na ang dami din palang naniwala sa pgsasama namin noon. Yung kaibigan ko kaibigan nya, ung kaibigan nya kaibigan ko. At kung kausapin nila kami, para lang kaming iisang tao. Tipong di mo maiisip yung isa ng di sasagi sa isip mo yung isa. Package deal na kami. May mga bagay na nakakatawa. Yung mga taong nagiwan ng bakas dati, di ko na mapansin ngayon. Malabo ba? Yung mga taong pinoproblema ko dati, e di ko naman pala dapat pinoproblema talga. Nakakatawa..Kasi dati, sila na ang "malaking problema" para sakin. Sumasakit na ang ulo ko non dahil lang dun. E samantalang ngayon, parang sila pa ang nakakapagpalakas ng loob ko. Basta. Meron akong mga natutunan dahil nakita ko sila ulit.
Ganito yung feeling - Nung grade six ka, problema mo na ay "Highschool ka na, siryosong buhay na. Di ka na bata" Diba? Pero kung titignan mo yun ngayon. E Pucha. Anong nakakatakot? E ngayon nga magtatapos ka na ng college e. mgtatarabaho ka na. HELLO? Compare mo nga kung ano ang mas nkakatakot sa dalawa? maging highschool o mag board exam?
Ganun. Small time lang pala yun noon. Nakakatawa.
Madami akong nadaanan, sobrang dami pa. Tipong sunod sunod na siya o ako lang. Ang laman lang puro "Napadaan lang, Miss na kita, Love Kita, Mabait ako o kaya Ingat ka" Puro ganun. Namiss ko ba? Ang plastic ko kung sasabihin kong hindi. Syempre na miss! At narealize ko na minsan talaga, masyado tayong nasasanay at namamanhid to the point na di na natin nakikita yung value ng isang bagay, tao o pangyayari. Nararamdaman mo oo, naapreciate mo oo. Pero yung value mismo di mo makuha ng buo. Tulad na lang ng ngyayare sa taong may taning na ang buhay. Dun lang nila malalaman na ang dami nilang di nabigyan ng pansin. Lakad sila ng lakad papunta sa kung saan. Dun nila nabibigyan ng halaga kahit simpleng pagihip ng hangin. Simpleng sunrise o sunset. In short, nagiging emo sila. :)

Di mo mattreasure ang isang bagay pag nasa harapan mo pa. Kasi, sanay kang pag gising mo bukas, andyan pa din yan. Kung alam mo ba na huling araw na ito ng taong pinaka mahal mo, aawayin mo pa ba sya? magagawa mo pa ba syang simangutan? sigawan? baka nga di ka na makapag goodnight sa kanya e. baka gustuhin mo na lang na tumakbo sa tabi nya, hawakan ang kamay nya at sabay nyong hintayin ung pagsikat ulit ng araw. Diba?

Inaamin ko na nangyari yun dati sakin. Masyado ako nasanay at nakampante. Naalla ko yung isang nakasulat dun. "Magloko ka naman (ulit) oh. Nabobored na kasi ako" Part lang yan ha! Di naman ako ganun ka cold na tao :D Natawa ako nung nabasa ko yun. Kasi narealize ko kung ano ang nawawala sakin ngayon. Mas namagnify yung space na walang laman. Yung kulang. Mas naramdaman ko kung ano yung mali. Nakita ko kung nasaan ako ngayon. Binold, Initalicized, inunderline at hinighlight.
Para akong baliw na nakatira sa ibang mundo. Sa mundo na gusto ko. Ayoko ng umalis dun. Nung bumabalik na ako sa kasalukuyan, ang dami ko din nadaanan. Masakit. Nakakapagtaka. Nakakagulat. Nakakahilo. Nakakasira ng ulo. Para akong naglalakad ng nakabaliktad. Para akong naglalakad sa kisame at lahat ng dugo ko ay bumababa sa ulo. Nasa isang lugar ako na hindi sakin. Hindi ko teritoryo. Nasa isang lugar ako na di ko kilala. Nakakaligaw. Nakakatakot.

Nawala yung mundong ginagalawan ko kanina. Hindi na maliwanag, Hindi na masarap, Hindi na comforting. Hindi ka makaramdam ng peace. Wala ng security. Wala ka nang mararamdaman na hangin na dumadampi sa pisngi mo. Ang hirap bumitaw sa ganung mundo.
Pero andito ang realidad ko. Hindi ako baliw at kelngan kong harapin kung ano mang mundo ang meron na ako ngayon. Pagtapos ko bumalik sa nakaraang dalawang taon, di ko na alam kung naliwanagan ba ako o lalong naguluhan.

Siguro ay lahat na ng tao sa paligid ko ay naramdaman na ito. Na late ako. Ngayon tuloy ay para akong kuting na naliligaw sa Quiapo. Masyado ko bang gnagawang big deal? 14 years old to 19 years old. Five years. Masisisi nyo ba ako? Bata pa ako nun, ito yung unang siryoso ko. Masisisi nyo ba ako kung ito na ang nakasanayan ko? Dito na ako lumaki at natuto? Na tuwing lilingon ako sa likod ko, bawat hakbang na ginawa ko. Andun din sya? Bawat baling ko, bawat lugar na alam ko. Bawat bagay na alm kong gawin. Bawat taong kilala ko. Lahat ng bagay. Nakapaskil yung mga memories na iniwanan namin. Meron pang nakaturo na malaking arrow na may blinking neon sign. Grabe lang talaga. Paano mo tatanggalin sa buhay mo ang bagay na hinulma mo na sa nakaraan mo at sa hinaharap?

Naalala ko yung isa pang nakasulat dun. Sabi nya
"love pa ba kita? tinanong mo na din yan kahapon ah? syempre no! Kelngn pa ba itanong yun? Di parang tinanong mo na din sakin kung marunong pa ba ako huminga!:)"

Eto gusto ko din: sabi ko "Happy 5th Year! :) Ano 5 years pa ulit? tingin mo?:)"

Eto pala favorite ko: sabi nya "Next Christmas dito kana talaga samin mg ccelebrate!"

Nakakaaliw nga naman ang buhay :)

Bakit kaya ganun. Ang tao, mahilig tumingin sa kahapon, tapos planado na anong meron bukas. Kinabukasan naman, ganun ulit nakatalon ka nanaman sa bukas. So Never tayong nabuhay para sa araw na ito. mapapansin lang natin ang araw na ito kapag "kahapon" na sya. No?
Kaya nga nagiba na ang tingin ko sa mundo. Oo naman may goals and dreams pa ako no :)
Pero di ko din kinakalimutan na baka nxt week patay na ako. Baka nga bukas patay na ako e.
Mas masya yung ganun kasi di nasasayang yung araw at oras. Kaya lagi ako ngtthankyou sa kanya after namin mgusap. Dahil sa time. Masaya ka dahil sa moment na ito. nraramdaman mo yung value ng oras na ito, dahil baka ito na yung huli. Friends and family, di ako bigla nalang mwawala hanggat di ko nsasabi dapat nila malaman. :) Baka kasi di na maulit.

Pagtapos kong isara yung pinto na yun papunta sa mundo namin. Nabasag ako. Nakaramdam ka na ba ng sakit na ngsimula emotionally natapos physically? Hoy. Hindi ko sinaktan ang sarili ko :) Adik. I mean masakit sa umpisa, as in feelings. hanggang nraramdaman mo na yung sakit talaga sa heart as in yung muscle na yun mismo. hanggang gumagapang yung sakit sa balikat. sa likod. sa braso. Para ka lang inaatake sa puso :)
Alam ko di na ako makakatulog ulit after ko mabasa yung kahapon na yon. At ngayon nga ay quarter to 5 na. Mahaba na masyado ang kwento ko sa inyo a :) Iniisp ko pa din kung ippost ko ito.

Further reading:
Ultimate Confessions 2

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.