Sunday, July 19, 2009

Random Truth

April 24, 2009

First of all, wala kami pasok ngayon. thank you GOD!
Malakas talaga ako k God :) kung hindi, ewan ko kung gano ako ka lutang ngayon..
sorry for my beloved c.i. for today, pero kelngn nya muna isacrifice ang migrane nya for me.


Some proclaim their death,
Most Die in a slow silent agonizing pain.


DABDA. According to Kubler-Ross, there are 5 stages coping.

D - Denial
A - Anger
B - Bargaining
D - Depression
A - Acceptance

I'm on bargaining stage right now. asking for God to just make it all better in place of anything he wants from me.

***

Tumigil ang oras natin pgtapos ng limang bagyo.
Ito ba yung mata ng bagyo? o talagang lumipas na ito?
Hindi ko alam kung sino ang sisisihin sa pangyayaring ito,
di natin sinadya, pero ngyari. Akala natin normal, pero
masyado na palang malalim.
Akala natin di na matatapos, pero lahat nga pala may katapusan.
Limang matatamis na bagyo at Pitong masasayang ulan.


***

Maraming bagay ang wala tayong control. Madalas, ang mga bagay na ito ay yung mga bagay na gusto nating conrolin. Minsan, nasa isip na natin kung ano ang dapat mangyari.
Bawat isang detalye..isa isa...
Pero di natin kaya. Di lahat ng gusto natin ay nasusunod. Sabi nga nila, May sariling oras ang diyos sa langit. Di man natin nakikita kung ano ang kakalabasan ng mga bagay, magtiwala tayo na sa huli, may magandang maidudulot sa atin ito.
Sa ayaw natin at sa gusto, madadapa at madadapa tayo. Di natin maiiwasan na masugatan ang tuhod natin. Minsan malalim, minsan gasgas lang, kadalasan mahirap ng gamutin. Ang pinka magandang makukuha mo lang sa pagkakadapa mong ito ay yung peklat na magbibigay sayo ng paalala na magiingat ka sa susunod. Wag kang takbo ng takbo. Maglakad ka lang, wag kang magmadali.
Minsan, dinadala tayo ng pagkakataon sa isang kwarto na maraming pinto. Laging nasa saiyo kung saan ka papasok. Pero hindi ka makakalabas hanggat gusto pa ng pagkakataon na paglaruan ka na parang daga sa loob ng isang lab. Minsan kahit malapit ka na sa exit, hahawakan at hahawakan ka sa buntot at ibabalik sa start. Ikaw namang tangang daga, hahanap at hahanap parin ng pinto palabas. minsan sswertehin ka dahil sa isang dasal. Magugutom din ang tadhana at iiwan ka niya saglit para mamahinga at pagalingin ang mga sugat mo sa tuhod. Minsan babalik sya agad, para pagurin ka ulit, minsan matagal siya bago bumalik. Magpasalamat ka.

Dory: Hey there, Mr. Grumpy Gills. When life gets you down do you wanna know what you've gotta do?

Marlin: No I don't wanna know.

Dory: [singing] Just keep swimming. Just keep swimming. Just keep swimming, swimming, swimming. What do we do? We swim, swim.


***


From the film A Very Special Love:

Laida: "Pag mahal mo, mahal mo. Walang kasi kasi. Walang pero pero."
-My favorite line from the movie.

Tama ba ito?

***

Minsan ang tao, parang tanga lang. maffall ka sa isang tao, nafall ka sa kanya, meaning nagustuhan mo sya bilang ano sya, tapos dadating ang panahon na gusto mo syang baguhin. Paano mo masasabi na mahal mo pa ang taong ito kung pgdating ng araw, hindi na sya ang taong minahal mo dahil sa dami ng binago mo sa kanya. Minsan naman, may magmamahal saio. Pero sa sobrang gusto mong iplease ang taong mahal mo, babaguhin mo ang sarili mo dahil sa tingin mo ito ang gusto nya. E na fall na nga sya sayo e diba?? Ano pa kayang problema mo? kung magbabago ka, di hndi na ikaw ang taong tinignan nya dati. Ay nako.

***

Minsan may mga nagagawa tayong bagay na di nating akalain na pagsisisihan natin sa huli.
Minsan, akala natin, walang tayong nakikitang mali sa ginagawa natin pero darating ang araw na maiisip natin na kung di lang sana natin ito ginwa, iba sana ang nangyari.
Minsan, kelngn mo masaktan para matuto. pag ngyari ito, uminom ka ng biogesic. Isa lang.
Minsan naiisp mo kung bibitaw ka na ba sa balloon o hahawakan mo lang ito. gusto nito lumipad papalayo, pero ngbibigay ito ng saya sayo. selfish ka ba kung itatali mo to sa braso mo? O kelngn mo talaga ito pakawalan sa langit? Bakit mo pa binili? Kung pagkain sana edi nabusog ka pa? Sino ba ang nag imbento ng balloon?! Alam mo yung balloon, ung uso ngayon, ung prang aso na sumusunod sayo? nakakita ka na ba ng ganon na nagraracing. Ako nakakita na, nakakatawa.
Nakakatuwa ang mga magnet. dapat ito ang example ng love e. Simple at hindi kumplikado.
Di na Love is like a rose, Di na Love is like a rosary. Corny na un.
Love is like a magnet. diba simple. parang magnet na nakadikit sa ref. Sadyang ginawa para dumikit sa isang bagay. Wala ng anu-ano pa. Didikit sya dun. Tapos.


***


There is a special trust in my heart that doesn't give up.
It took it's strenght from its owners. It's so strong the owner
Though it would last as long they would live.
They were dead wrong.
"Nothing gold can stay".


***

Nakaupo sya sa isang madilim sulok.
tick, tock, tick, tock..
isang oras,
dalawang oras,
isang araw,
monday, tuesday, wednesday
isang buwan,
may, june,
isang taon,
2010, 2011,2012
Ang panahon derederetcho ang pagtakbo,
Pero di sya gumagalaw.
Nakahinto ang buhay niya sa iisang araw.
Paulit-ulit na binabasa ang mga salitang
matagal na nyang kinatatakutan.
Hindi malaman kung maniniwala siya.
Bakit ba siya natulog? sana di nalang para di na
Siya binangungungot.
Takot siya dito. baka di na sya magising.
Di ito biro.
Masakit ito.
Nakaupo siya at walng nararamdamang
kahit ano.
Wala ni isa..
wala..
blanko..
Di nya maramdaman ang gutom.
Ang init.
Ang kati.
Ang baho.
Ang ingay.
Di nya maramdaman ang sariling pagtibok ng kanyang puso.
Nakatulala siya sa sahig.
Pinipilit tandaan ang bawat detalye.
Walng pumapasok sa kanyang isip.
Di nya matandaan..
Wala syang maisip.
Wala talaga..
Wala ni isa..
wala..
Blanko.
Blanko.
Blanko.
Nakaplano na ang lahat.
Bawat isang hakbang ay nakaalay na sa plano.
Bakit kailngan mamamatay ng taong mahal mo?
Bakit kailngan niyang mawaln ng malay habang
naghihintay ka lang na bumalik siya?
Bakit kailangan mawalang ka ng signal?
Bakit mali ang mga basa mo sa signal niya?
Nakakahiya ang paulit ulit na pagpatay
sa kandila na tanging nagbibigay ng ilaw
Marami kang itinira pero paano mo ito magagamit kung
naka yukyok ka na lang sa isang gilid at di na umuusad
sa iyong paglalakbay.
Tulala.
Aanhin mo pa ang mapa?
Aanhin mo pa ang tapang?
Aanhin mo pa ang lakas ng loob?
Aanhin mo pa ang tiwala, ang
pagmamahal. ang pangunawa.
Aanhin mo pa ang mga pangakong
walang laman.
Aanhin mo pa ang mga alaala
na wala namang dahilan.
Aanhin mo pa ang litrato.
Aanhin mo pa ang sulat.
Aanhin mo pa ang lahat.
Aanhin mo pa ang lahat.
Aanhin mo pa ang lahat.
Aanhin mo pa ang KAHIT NA ANO?!
Wala.
wala na..
wala ka ng gagawin.
wala ka ng gagawin.
titigan mo ang ulap baka may sagot
bigyan mo ng kahulugan ang ambon
bigyan mo ng kahulugan ang kahit na anong makita mo
pero wala ka ng gagawin.
wala ka ng magagawa.
wala na.
walang laman.
walng pakialam.
walng maisp.
walng maramdaman
walng alam.
walng meron.
walng wala.
wala..
wala kahit ano..
wala..
wala na.
Blanko...

Matagal ng sumabog ang salamin sa kanyang harapan.
Nakapikit ang kanyang mga mata ngunit nakadilat ang kanyang puso.
Bawat hinga ng babaeng nakaupo sa isang madilim na sulok,
Bumabaon at gumagasgas sa buong pagkatao niya
ang mga maliliit na piraso ng bubog.
Mahirap tanggalin.
Masakit.
Mahapdi.
Bawat hinga.

hinga lang.
hinga ng malamim..
hinga lang..

At patuloy ang pagtakbo ng panahon
habang nakatigil ang buhay niya sa isang araw lamang.



***



What have they done with my baby?



-che.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.