Sunday, July 19, 2009

Funny Survey c:

1.Ano ang tawag sayo ng mga kaibigan mo?
~ Che, Cherrypie, Cherry, Hoy. XD

2.Ano ba ang gusto mo gawin sa oras na ito?
~ Mag uupload sana ako, kaso umistorbo ka ee.

3.Sumali knb sa contest?
~Oo naman.

4.Kumain knb?
~ Nu ka Txtmate? Pag kelangan ko nang magaalaga sakin. Sasabihan kita. Pede?!

5.Mahilig kb mag videoke?
~ Tingin mo? Siyempre. Pilipins kaya to. :D

6.Ano naman ang pinakikinggan mo ngayon?
~ Kunsensya ko.

7.Ano ba paborito mong ulam?
~ Wag mo ng itanong kung di ka naman magluluto!!

8.Malakas kba uminom?
~ Hindi ako umiinom! Kahit tubig!

9.Sa tingin mba maganda/gwapo ka?
~ Pag sinabi ko bang hindi maniniwala ka?! *HAHA :D Yan ang banat XD

10.Na experience mo nba ang manakawan/holdap/snatch?
~ Oo. Ganun talaga pag tanga :D

11.Selosa kba?
~ Depende. Pag pangit ka nde. HAHA :))

12.Sa anong insekto ka takot?
~ Sa langgam. Kasi lagi silang nakapila, parang meron silang pinaplano. Baka iinvade nila ang earth!! Di mo man lang ba naisip yun ha?!

13.May kiliti ka ba sa batok?
~ San ba yung batok? :D SIKRET ko na yun!! Baka gawin mo pa e..

14.Masarap ka ba magmahal?
~ Hindeee!! Iiyak ka, sasakit ang ulo mo, sasakit ang braso mo kakasuntok ko, magkakapasa ka, mapapagod ka kakalakad, Mauubusan ka ng pangdate sakin, Aamagin ka kakahintay saakin, Mababasag eardrums mo at higit sa lahat, mahihirapan kang kalimutan ako. Ano masarap ba yun para sayo?! HA!?
Oha?:D

15.Nasaktan ka nba?
~ Saktan kaya kita?! Di pa ako nasasaktan, kasi wala akong feelings. Robot ako. Bleep. Bi bu bip. Bup.

16.Ano pinaka exotic food na nakain mo?
~ Saging. Kambal. Nkapajama. HAHA :))

17.Yung totoo? Importante ba talaga na tapos ng pag-aaral ang isang tao?
~ Yung totoo ka jan! Bakit naglolokohan ba tayo dito?!
Para sakin hindi importante kung nakatapos ka o hindi, pwera na lang kung di ka nakakalipad, nagiging invisible at tumatagos sa walls.

18.Nag yyosi kb?
~ Hindi. Kung gusto ko magka lung caner, sisinghot nalang ako ng usok ng tambucho sa Taft. Haler? magbabayad ka pa para sa kapiranggot na stick!?

19.Yun bng tao na gusto mo, gusto ka din?
~ Alam mo, ganun talaga.
Yung gusto mo, ayaw sayo. Yung ayaw mo, gusto sayo. Sana baliktad na lang.
.sayo gusto ,mo ayaw yung .sayo ayaw ,mo gusto Yung
X D

20.San siya ngayon?
~ Sinong siya? Yung gusto ko? Nakadikit sa pader namin, nagchacharge saglit. Tawagin ko? Importante ba? Gusto mo magiwan ka nalang ng message? O sige, tawag nalang po kayo ulit.

21.Kumakain kba ng taho?
~ Oo naman!! pero pinapapak ko lang, di ko inuulam.

22.Kung sasabihin ng kaibigan mo na may gusto siya na gusto mo din, ano gagawin mo?
~ HAHA :D Una, Titignan ko kung nakauniform ba ako ng Concordia. Pangalawa, titignan ko kung 2003 ba ang taon. Pag confirmed, Magdadasal ako na sana wag nyang maisipan na ipaubaya yun saakin. Kasi uulit nanaman ang lahat mula sa umpisaaaa!!! XD

23.Pano kung inagaw ng kaibigan mo yung bf/gf mo?
~ Magagalit ako sa kanya, Hindi sya tunay na kaibigan! Bakit nya kailangan agawin? pwde naman hiramin ng maayos diba?! Ano tingin nya madamot ako? Kaibigan ba yon?!

24.Masaya kb ngayon?
~ Oo naman! kung malungkot ako edi sana nasagutan kita ng maayos diba? Mangmang!!

25.It's two in the morning and you get a text message, who is that?
~ Uyyyy, nagtampo! Biglang nag english!!:D O Sori, matalino ka na!
HAHA :D Alas dos?! Isa lang ang pwedeng magtext sakin sa ganung oras. Si Red Ranger yun. Kailangan kong kumilos agad dahil baka nasa panganib ang daigdig!

26. Think of a time that you slept very late, what's the reason?
~ Hmm, nung isang araw. I slept very early! 6am na yun e. :D Reason? wag na! baka umiyak ka pa. dumudugo na nga yung ilong mo, papaiyakin pa kita. Wala na kaya akong tissue dito.

27. If you were to choose between the person you like and your best friend, who will you choose?
~ Hmmmm, Wait. Ano ba inaccept nyo, yung unang sagot o huling sagot? XD Pagiinlabin ko sila sa isa't isa para I could keep them both :) Tapos later on, bobolahin ko yung bestfriend ko na share-share nalang kami :D

28. Give your 4 favorite numbers
~ AYAW! Favorite ko nga e bakit ko ibibigay sayo! Loser.

29. Have you ever hugged someone?
~ May phobia ako dun e. Pakiramdam ko kasi pag may yumakap sakin malolock yung mga joints nya tapos di na ako makakaalis!! Alangan bitbit ko sya araw-araw!! tapos isipin mo pano pa kung group hug yun!!!:(

30. Do you want the person you like to be your gf/bf?
~ Ayan ka nanaman! tapos mamaya papapiliin mo nanaman ako kung yung bestfriend ko o sya! Di mo na ako maloloko...

31. Whats ur favorite place in your room?
~ Sa may corner malapit sa bintana. dun kasi madalas merong langgam. sinusundan ko kung saan yung dulo ng pila para makita ko yung headquarters nila.

32. Contented in life?
~ If one is already contented in life, he might as well be dead. Because life is all about constant acquisition of something better than what we already have. After that, he must then aspire in acquiring whatever his siblings, friends, co-workers and neighbors have. After that he must then acquire more of everything as soon as they become available. GREEDYY :)

33. Name one enemy of yours?
~ Voltes 5.

34. One song that's meaningful to you?
~ Close, Open, Close, Open - No Artist - Meaningful sakin to dahil ito ang unang nagturo sakin na meron palang sarilng buhay ang mga kamay ko. Di ko talaga maresist pag knakantahan nila ako nyan nung utu-uto pa ako.

35. What kind of phones do you have?
~ Di ko kailangan ng phone. Marunong ako ng mental telepathy. Dapat 5 inches ang layo namin sa isa't isa para hindi choppy.

36. Stupidest thing you ever did with your cell phone?
~ Bored nako pagusapan ang cellphone. Next topic!

37. Have you ever regretted letting someone go?
~ Wala yun sa bukabularyo ko. Yung regret ha!! Duh! Yung letting go, meron. pg 2313-3000

38. When was the last time you felt like your heart was actually breaking?
~ Nung nakaraan. E kasi pinahawak ko lang saglit sa kaibigan ko dahil nililinis ko pa yung lungs ko. maalikabok na kasi. sabi ko pa "Ingatan Mo! Wala kong spare parts!!". sabi nya "O sige sakin na muna to kasi aalis ako. itatago ko promise!! iingatan ko ang puso mo!!" Tapos umalis na siya. Maya maya, nung pinapaturo ko na yung kidneys ko. Dumating na sya. #@%@! Nakalagay na sa plastic!! Nalaglag daw kasi sa sahig. Di nya namalayan. Tapos naapakan. Ayun, Edi nabasag! sabi ko "Pinahawak ko lang sayo saglit pagbalik sakin basag na.." Itutuloy.... HAHA :D

39. Sunrise or Sunset?
~ Hindi ako naniniwalang may sunrise o sunset. to see is to bilib.

40. What would you do if you find out he or she likes someone else?
~ O kita mo na!! Sabi na lolokohin mo nanaman ako e! Muka mo! Baket? Baket? Di ko naman sinagutan yung number 30 a!! Belat!! :P

*Wala na daw tanong yung interbyuwer kasi napahiya, mangmang kasi. XD

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.