Tuesday, July 28, 2009

Ang kwento ng isang ipin.

Umuulan nanaman, at pagumuulan, kelangan magdrama. Understood na yun.

Masakit ang ipin ko. pramis. Sabi nung dentist, kasi daw tumutubo yung wisdom tooth ko, tapos masikip kaya nagkkaron ng pressure. Kaya masakit. Sabi nya bunutin nalang daw. Sabi ko "HUH??" Sabi nya, aanhin mo pa daw ang ipin kung masakit lang? kapag daw nakakaperwisyo tanggalin nalang. Feeling ko nga kakapilit ko na wag to tanggalin e susungki nanaman :) Ganun ba yun? tingin ko ganun na nga? syempre kung may pressure, masasaktan lang ako, edi perwisyo tanggalin na nga lang.

Ang hirap maghintay ng araw na matatanggal din yung sakit. Minsan wala lang, misan pag nachambahan, parang grabe lang bumanat yung sakit. Tipong parang brownout sa loob ng ulo mo. May mga times talaga na ganun. Di natin maiiwasan. Maiisip mo nalang, sa oras kaya na ito sumasakit din yung ipin ng isa pang tao?
Minsan kasi mahirap isiksik kung di na talaga kasya. E alangan naman yung wisdom tooth ko yung bunutin diba? Syempre minsan kasi kailangan eh. pero di ibigsabihin na kelngn tiisin yung sakit. Di naman kelngn na magsiksikan e. Edi tanggalin nalang yung pwedeng tanggalin. Kesa kumpleto nga kayo, masikip naman.
Minsan kelngn mo mamili. Siya ba o siya? Sila ba o sya? Saya ba o sya? :)
Masakit pa din ang ipin ko. pramis. Kung anong makakapgpasaya sa ipin nya edi yun. kahit pa bunitin yung isa sa eksena. Alangan magpumilit ka pa, e nakakasikip ka na nga e diba. Kahit pa hintayin ko tumubo yung wisdom tooth hanggang alas dose, wala din namang mangyayare eh. Walang magic. Bakit mo pa ipipilit. Kung may tooth fairy naman na handang kumuha sa natanggal na ipin diba? Lahat nagbabago sa isang iglap. Lahat ng bagay malaki man o maliit maaraing maging rason ng habang buhay na pagbabago. Kelngn, minsan, alagaan natin ang ipin natin. Kasi darating ang araw na mawawala yan lahat. At sana, pag dumating yung araw na yun, di ka magsisi na binalewala mo yung mga araw na may ipin ka pa.

Masakit pa din ang ipin ko.

PS.
Sana naisip mong hindi ito totoong tungkol sa isang ipin.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.